Home METRO Lisensya ng gov’t worker, sinuspinde sa red plate vs e-bike road rage

Lisensya ng gov’t worker, sinuspinde sa red plate vs e-bike road rage

196
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng isang driver ng government vehicle matapos nitong saktan ang isang e-bike rider sa isang road altercation na naitala sa isang viral na video. Ang insidente ay kinasasangkutan ng isang Toyota Innova na may pulang plaka SNN 1004.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, agad na naglabas ang ahensya ng show cause order sa driver at sa government agency na nagmamay-ari ng sasakyan. Inaatasan ang driver at isang kinatawan ng ahensya na dumalo sa isang pagdinig sa LTO Intelligence and Investigation Division sa Enero 27 upang ipaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o i-revoke ang lisensya ng driver bilang isang “Improper Person to Operate a Motor Vehicle” ayon sa Land Transportation and Traffic Code.

Ipinataw ng LTO ang 90-araw na suspensiyon sa lisensya ng driver at inilagay sa alarm ang sasakyan upang hindi makapagsagawa ng anumang transaksyon sa LTO habang isinasagawa ang imbestigasyon.

“Ang mga empleyado ng gobyerno ay inaasahang magiging huwaran ng mabuting pag-uugali at paggalang sa batas, lalo na sa mga pampublikong daanan. Walang makakalusot sa insidenteng ito at ang nararapat na proseso ng paglilitis ay gagawin ng tama,” ani Lacanilao. Dagdag pa niya, determinadong tiyakin ng LTO na maibibigay ang hustisya at uunahin ang kaligtasan at magandang asal sa kalsada.

Makikitang sumisigaw ang driver ng government vehicle sa e-bike rider dahil sa isang road mishap bago siya saktan ng suntok. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here