Home METRO Sari-sari store, karinderya sa Marikina, binigyan ng 100% tax relief

Sari-sari store, karinderya sa Marikina, binigyan ng 100% tax relief

217
0

MANILA, Philippines – Magbibigay ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina ng 100% tax relief sa mga sari-sari store at carinderia para sa taong 2026, at magpapatupad din ng full amnesty sa interes at surcharge ng mga delinquent na real property tax payers.

Inaprubahan ni Mayor Maan Teodoro ang mga ordinansa na nag-e-exempt sa mga kwalipikadong sari-sari store at carinderia mula sa business taxes, permit fees, at iba pang local regulatory charges mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2026.

Ang tax relief ay para lamang sa mga establisimyentong hindi nagbebenta ng alak o sigarilyo.

Ang mga kwalipikadong negosyo ay makakatanggap ng certificate of exemption mula sa Business Permits and Licensing Office.

Inihayag din ang pagpapalawig ng deadline sa renewal ng business permit mula Enero 20 hanggang Pebrero 28, na walang penalties o surcharges sa extended period.

Kasabay nito, inaprubahan ng lungsod ang 100% amnesty sa interes at surcharge ng mga delinquent real property taxes hanggang Hulyo. Maaaring bayaran ang buo o sa installment ang mga obligasyon sa loob ng amnesty period.

Ani Mayor Teodoro, layunin ng mga hakbang na suportahan ang MSMEs, palakasin ang lokal na industriya, at pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here