Home NATIONWIDE Patas na trato sa ama, hirit ni Rep. Revilla

Patas na trato sa ama, hirit ni Rep. Revilla

204
0

MANILA, Philippines – Humihiling si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla ng “patas na pagtrato” para sa kanyang ama, dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr., matapos itong sumuko sa mga awtoridad kaugnay ng alegasyon sa korapsyon sa flood control projects.

Sa isang pahayag noong Martes, Enero 19, sinabi ni Jolo Revilla na ang kusang pag-sumite ng kanyang ama ay isang deliberate na hakbang upang harapin ang mga akusasyon at ipakita ang kanyang tiwala sa mga institusyong legal.

Inamin niya ang hirap ng sitwasyon para sa kanilang pamilya ngunit binigyang-diin ang kahalagahan ng pananagutan at due process.

“We respectfully call for fairness—fair treatment under the law, fair judgment based on evidence, and fairness in public discourse that refrains from trial by publicity,” ani ng kongresista.

Naglabas ang Sandiganbayan ng arrest warrants at hold departure orders laban kay Bong Revilla at anim na kawani ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office kaugnay ng malversation case sa isang “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan.

Binigyang-diin ni Jolo Revilla na hindi pag-iwas ang ginawa ng kanyang ama kundi pagharap sa usapin sa korte. “He believes that the proper place to resolve these issues is inside the courtroom, where facts matter and the law speaks louder than speculation,” aniya.

Hiningi niya sa publiko at media na hayaang gumana ang hustisya “without pressure, noise, or premature conclusions,” at nagpasalamat sa mga patuloy na nagdarasal at nagpapakita ng malasakit.

“Sa huli, naniniwala kami na ang katotohanan ang mananaig,” dagdag niya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here