Home METRO Plaza Azul gagawing public park para sa seniors, pet owners

Plaza Azul gagawing public park para sa seniors, pet owners

187
0

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagtatayo ng bagong pampubliko na parke para sa mga senior citizen at pet owners sa Plaza Azul sa Pandacan, Maynila, kasunod ng groundbreaking ceremony.

Ang proyekto ay pinangunahan ng MMDA, Department of Budget and Management (DBM), at lokal na pamahalaan ng Maynila.

Ang Plaza Azul Senior Citizen and Pet Park ay bahagi ng Green Green Green (G3) Project ng Metro Manila na layong gawing mas luntiang lugar ang kasalukuyang hindi gaanong nagagamit na espasyo sa pamamagitan ng paglikha ng green open areas, mga pasilidad para sa recreation at wellness, at mga community spaces.

Ayon kay MMDA Chairperson Don Artes, ang proyekto ay sumusuporta sa adyenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagbutihin ang pampublikong espasyo, kalusugan ng komunidad, at green infrastructure.

Bagama’t pangunahing idinisenyo para sa mga matatanda, magsisilbi rin ang parke bilang community hub na may mga pasilidad para sa lahat ng edad, kabilang ang grass lawns, park pavilion, children’s playground, outdoor fitness equipment, jogging path, senior citizen pavilion, basketball court, multi-purpose court, kiosk areas, at mga lugar para sa community events.

Sinabi ni Artes na gagamitin ng proyekto ang nature-based solutions tulad ng rainwater collection para sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga puno at halaman upang mabawasan ang maintenance costs at maisulong ang sustainability.

Aniya pa, sinusuportahan nito ang mga eco-friendly na praktis sa komunidad. Idinagdag naman ni DBM Undersecretary Goddes Hope Libiran na ang proyekto ay kaakibat ng mga layuning pang-sustainable development at patunay ng pagtutok ng pamahalaan sa mas luntiang mga lungsod. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here