Home NATIONWIDE Tsina direktang binalaan Pinas sa pagkakalat ng ‘malisyosong impormasyon’

Tsina direktang binalaan Pinas sa pagkakalat ng ‘malisyosong impormasyon’

179
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang China sa mga opisyal ng Pilipinas na “magbabayad” kung ipagpapatuloy nila ang pagkalat ng umano’y “malisyosong impormasyon” laban sa bansa.

Sa isang pahayag noong Martes, Enero 19, sinabi ni Guo Jiakun, tagapagsalita ng Foreign Ministry ng China, na ang isang diumano’y tagapagsalita ng Philippine Coast Guard ay “maliciously” nagkalat ng disimpormasyon tungkol sa China at sinadyang sirain ang imahe nito.

Inakusahan din niya ang ilang miyembro ng uniformed services ng Pilipinas na, dahil sa personal na motibo sa politika, ay paulit-ulit na gumawa ng “outrageous and absurd statements” at may ugali ng paghihikayat ng tunggalian, na tinawag niyang “despicable.”

“China strongly condemns this and has lodged strong protests with the Philippine side,” ani Guo. “A word of advice to relevant individuals in the Philippines: immediately stop making provocations and stop confusing right and wrong, or they would pay the price for what they did.”

Ito ang unang direktang pahayag mula sa Chinese Foreign Ministry mula nang sumiklab ang sigalot sa pagitan ni Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG at West Philippine Sea, at ng Chinese embassy sa Manila noong huling bahagi ng Disyembre.

Nagsimula ang alitan nang igiit ni Tarriela na ang alok ng China na tulungan ang mga mangingisdang Pilipino sa Philippine waters ay bahagi lamang ng political propaganda, at pinagtanong niya ang presensya ng mga sundalong Tsino sa nasabing tubig. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here