Home ENTERTAINMENT Vice, naging emosyunal kay Anne!

Vice, naging emosyunal kay Anne!

274
0

Manila, Philippines — Madamdamin ang naging rebelasyon ni Vice Ganda tungkol sa kanyang co-host na si Anne Curtis.

Ayon kay Meme, si Anne daw ang itinuturing niyang “best friend” sa kanilang noontime show.

Ikinuwento rin ni Vice ang kakaibang closeness nila ng Kapamilya star.

Sey pa niya, mas nagiging madali sa kanya ang trabaho kapag kasama si Anne.

Hirit pa niya, iba raw ang koneksyon nila ni Anne kahit mahal niya ang lahat ng kanyang co-hosts.

“Iba yung closeness namin ni Anne kasi madami kaming pinag-uusapan na kaming dalawa lang yung nag-e-enjoy,” bulalas niya.

Dagdag pa nga ni Meme, handa raw siyang ilaban nang patayan ang matalik na kaibigan.

“Iba yung understanding namin tsaka open kami sa isa’t isa. We support each other so much pero iba talaga yung love ko kay Anne, very special siya sa akin.

“I miss her, I long for her, I care for her so much, I love her so much, makikipag-away ako for her,” ani Vice.

Pagbibida pa niya, isa raw sa mga hinahangaan niya sa kanilang samahan ay ang pagiging tapat nila sa isa’t-isa.

Ayon sa kanya, hindi raw siya natatakot na baka ma-offend kapag si Anne ang kanyang inookray.

“I can be very brutally honest to her, siya rin ganun sa akin… yung hindi ako matatakot na ma-offend ko siya, at siya rin hindi matatakot na ma-offend niya ako because at the end of the day, we will still choose each other,” paliwanag niya.

Aminado rin si Vice na dumaan siya sa matinding lungkot noong pansamantalang nawala si Anne sa show.

“There was even a point na it was so hard for me to keep doing Showtime without her. Naihirapan ako, umiiyak ako sa kanya.

“Sabi ko, ‘Nahihirapan ako kapag wala ka, kailangan kita, kailangan mong bumalik.’ Pinapakiusapan ko siya na, ‘Samahan mo ako. Kailangan ko yung support mo,’” pagbabalik-tanaw niya.

Para rin kay Meme, nagiging “walk in the park” at puno ng “bardagulan” ang trabaho kapag kasama niya si Anne sa kanilang noontime show.

— Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here