Home NATIONWIDE Alegasyong itinatago ng pulis si Atong Ang, sinagot ni Nartatez

Alegasyong itinatago ng pulis si Atong Ang, sinagot ni Nartatez

224
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni acting Philippine National Police (PNP) chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Miyerkules na hindi madidistract ang pulisya ng “unfounded allegations” laban sa kanila sa paghahanap sa fugitive na si businessman Atong Ang.

“We are mindful of all the allegations involving the integrity of the PNP. We verify and immediately take action as part of our efforts to sustain the trust and confidence of the Filipino people to their police force,” pahayag ni Nartatez.

Dagdag pa niya, hindi madidistract ang mga tauhan ng pulisya ng mga paratang na walang pruweba. “Walang pruweba ang sinumang nagaakusa sa atin nang ganito,” ani Nartatez.

Tinuldukan din ni Nartatez ang mga pahayag na itinatago ng pulisya ang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ni Ang upang makuha ang P10-milyong reward. Ayon sa kanya, naka-focus ang PNP sa paghahanap kay Ang at sa pagpanagot sa mga tunay na nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Nagbabala siya na ang sinumang tumutulong sa isang fugitive ay haharap sa legal na parusa, at mas mabigat ang kaparusahan sa mga pulis at iba pang kawani ng gobyerno na magkakasala.

Mayroong ilang arrest warrants si Ang mula sa mga korte sa Santa Cruz, Laguna at Lipa City, Batangas kaugnay ng kaso ng nawawalang mga sabungero. Naaresto na ang lahat ng 21 niyang co-accused, kabilang ang 12 aktibong pulis.

Sinabi ni Nartatez na sapat ang mga pwersa ng pulisya na ipinakalat sa buong bansa upang hanapin si Ang at pinuri ang mga opisyal na patuloy na nagtatrabaho para arestuhin siya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here