Home NATIONWIDE 3 todas, 8 sugatan sa salpukan ng dyip at trak sa Isabela

3 todas, 8 sugatan sa salpukan ng dyip at trak sa Isabela

263
0

LUNA, Isabela – Tatlo ang kumpirmadong patay kabilang ang isang 19-anyos na lalaking estudyante matapos ang salpukan ng isang dump truck, pampasaherong jeep at motorsiklo pasado alas-9:00 kaninang umaga, Enero 21, 2026, sa National Highway, Barangay Mambabanga, Luna, Isabela.

Ayon kay PMaj. Jonathan Ramos, hepe ng Luna Police Station, nadulas umano ang dumptruck matapos nitong subukang mag-fullstop para iwasan ang sasakyang nag-overtake sa daan hanggang sa tuluyang masalpok ang jeep.

Una rito, binabagtas ng pampasaherong jeep ang kahabaan ng Barangay Mambabanga patungong Cauayan City bago ang aksidente.

Damay rin ang nakasunod na drayber at sakay ng motorsiklo na bumangga sa likurang bahagi ng jeep.

Bilang resulta, sugatan ang walong katao kabilang ang isang taong gulang na lalaki matapos magtamo ng malalang sugat sa katawan.

Sa lakas ng banggaan ay natanggal ang bubongan ng pampasaherong jeep kung nakasakay ang mga sugatan at tatlong katao ang namatay.

Samantala, kinumpirma rin ng hepe ng pulisya na negatibo sa nakalalasing na inumin ang drayber ng truck.

Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here