Home HOME BANNER STORY Dobleng impeachment hearing vs PBBM, VP Sara posible – Sen. Risa

Dobleng impeachment hearing vs PBBM, VP Sara posible – Sen. Risa

257
0
(via Cesar Morales)

MANILA, Philippines – Kinilala ni Senator Risa Hontiveros nitong Miyerkules ang posibilidad na magsagawa ang Senado ng dalawang magkahiwalay na impeachment trial sakaling umusad sa House of Representatives ang mga reklamong impeachment laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte.

“Anything is possible. Kung parehong mag-prosper ‘yung dalawang complaint sa House, then magiging dalawa ‘yung tungkulin namin dito or dalawang impeachment trials,” pahayag ni Hontiveros sa Kapihan sa Senado.

Nitong Lunes ay inihain sa House of Representatives ang impeachment complaint laban kay Marcos.

Posible namang magsampa muli ng bagong reklamo laban kay Duterte sa Pebrero, kasunod ng isang taong pagbabawal matapos ang kanyang naunang impeachment case.

Aminado si Hontiveros na hindi pa niya nababasa ang reklamo laban sa Pangulo, ngunit handa umano siyang gampanan ang tungkulin bilang senator-judge sakaling umakyat ito sa Senado. Aniya, hindi man ideal ang pagkakaroon ng dalawang sabay na impeachment trial, tungkulin pa rin ng Senado na tiyakin ang pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno.

Dagdag pa niya, kung maayos at makatarungang maresolba ang mga kaso, maaari itong mag-ambag sa pangmatagalang pag-unlad ng bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here