Home NATIONWIDE ‘Chinese rocket’ namataan sa himpapawid ng Palawan

‘Chinese rocket’ namataan sa himpapawid ng Palawan

181
0

MANILA, Philippines – Namataang dumaan sa himpapawid ng Palawan ang isang hinihinalang Chinese rocket, ayon sa Philippine Navy (PN) nitong Miyerkules, Enero 21.

Sinabi ng Navy na ang hinihinalang People’s Republic of China (PRC) Long March 12 rocket ay namataan na tumatawid sa himpapawid ng Palawan dakong alas-3:59 ng hapon noong Enero 19, batay sa pagmamanman ng Western Naval Command (WNC).

“The event was captured on video by WNC personnel as part of ongoing real-time monitoring operations,” ayon kay WNC spokesperson Capt. Ellaine Rose Collado.

Ayon pa kay Collado, ipinakita sa video ang bakas na kaayon ng pagdaan ng rocket, alinsunod sa mga pre-launch advisory hinggil sa posibleng mga lugar na babagsakan ng debris sa layong humigit-kumulang 20 hanggang 160 nautical miles sa silangang baybayin ng Palawan, kabilang ang mga lugar malapit sa Puerto Princesa City at Tubbataha Reefs Natural Park.

Wala namang naiulat na nasaktan, napinsalang ari-arian, o debris na bumagsak sa anumang kalupaan matapos ang insidente.

“All concerned agencies remain on heightened alert and continue to closely monitor the situation. The public is advised to remain vigilant and promptly report any unusual sightings or debris to local authorities,” dagdag ni Collado. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here