Home NATIONWIDE P33.35-M lotto jackpot, paghahatian ng 2 mananaya

P33.35-M lotto jackpot, paghahatian ng 2 mananaya

222
0

MANILA, Philippines – Dalawang mananaya ang naghati sa P33.35 milyong jackpot ng Megalotto 6/45 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa draw noong Miyerkules, Enero 21.

Ayon sa PCSO, tama ang kombinasyong 28-12-02-15-23-13 na nakuha ng mga nanalo, na may kabuuang jackpot na P33,350,760.40.

Ang isang winning ticket ay nabili sa Lungsod ng Maynila, habang ang isa pa ay mula sa Davao del Sur.

Samantala, wala namang nanalo sa iba pang major lotto games ng PCSO.

Patuloy na nakataya ang P33,193,409.20 jackpot ng Grand Lotto 6/55 matapos walang makakuha ng winning combination na 34-28-48-25-55-03. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here