Home NATIONWIDE 5 adik nalambat sa drug ops sa Bataan

5 adik nalambat sa drug ops sa Bataan

309
0

BATAAN- Nalambat ng mga awtoridad ang limang (5) drug suspek na magkakasabwat sa pakikipag-transaksiyon sa undercover police at masamsam ang ilang pakete ng suspected shabu sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay Lamao, Limay.

Batay sa ulat ni Limay Municipal Police Station Chief of Police Major Jummy Albert Decin kay Region 3 Police Director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr., naaktuhan umano ang mga suspek na magkakasabwat sa pagbebenta ng shabu sa police poseur buyer.

Narekober sa mga suspek ang higit walong (8) gramo ng hinihinalang shabu na may street value ng mahigit P58,000, cellphone na gamit ng target na suspek sa pakikipag-transaksiyon, drug paraphernalia at marked money na ginamit sa buybust.

Humihimas na sa malamig na rehas ng bulangguan ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa mas pinaigting na batas kontra iligal na droga. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here