Home NATIONWIDE Cocaine, ecstacy at shabu nasamsam sa Korean national sa Pasay

Cocaine, ecstacy at shabu nasamsam sa Korean national sa Pasay

250
0

MANILA, Philippines – TIMBOG ang isang Korean national sa pag-iingat ng ipinagbabawal na iligal na droga sa Pasay City nitong Miyerkules, Enero 21.

Nakuha ang cocaine, ecstacy at shabu sa 40-anyos na lalaking casino agent.

Nangyari ang pag-aresto sa pamamagitan ng routine patrolling ng mga pulis mula sa Substation 1 CCP ng Pasay City Police.

Sa report ng substation 1 kay Pasay chief of police Col de Sesto, nadaanan sa pagpapatrolya ng mga pulis ng substation 1 ang Koreano na nakikipagtalo sa kapwa motorista sa Buendia Avenue malapit sa World Trade Center.

Sa paglapit ng mga pulis, nalaglagan ng mga sachet ang suspek na nang rekisahin ay lumitaw na posibleng illegal drugs.

Kabilang sa nakuha umano na illegal na droga ay dalawang tableta ng hinihinalang ecstasy na may estimated SDP value na P3,400.00; 2 sachet na powdery substance na shabu na nasa 0.24 gram na may estimated SDP value na P1,632.00; at cocaine na 0.90 grams na may estimated SDP value na P4,770.00.

Kakasuhan ang Korean national na si alyas Choi sa piskalya sa Pasay sa ng paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ang patrol operation ay isinagawa ng Sub-Station 1 personnel sa pangunguna ni PCPT DENNIS D. DESALISA, OIC, kasama sina PMSg Mateo Reloj Jr., PSSg Marvin Keith Candelario, at PSSg Charl David Manangat. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here