Home NATIONWIDE Paglutas sa jail congestion pinagsisikapan ng SC

Paglutas sa jail congestion pinagsisikapan ng SC

183
0

MANILA, Philippines – Nanatiling matatag ang Korte Suprema sa paglutas sa mga dahilan ng jail congestion sa bansa na mahalagang usapin para sa karapatang pantao, dignidad at katarungan.

Sa pagsisimula ng ikalawang National Decongestion Summit, sinabi ng Korte Suprema ang matinding siksikan sa mga piitan na sumisira sa layunin ng makabuluhang pagbabago, humahadlang sa mabilis, makatarungan, at makataong paghatol, at sumisira sa layunin ng rehabilitasyon at reintegrasyon ng mga persons deprived of liberty.

Idinagdag pa ni CJ Gesmundo ang pagsusulong ng mas makatao, restorative at reform-oriented justice system.

Ipinahayag na patuloy ang hudikatura sa pagtugon sa mga ugat ng jail congestion sa pamamagitan ng pagpapahusay ng bail rules, pagpapabilis ng pagdinig ng mga kaso, at regular na jail visitation at decongestion programs.

Isinusulong din ang paggamit ng continuous trial, videoconferencing, judicial affidavits, at teknolohiya sa case management sa ilalim ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022 hanggang 2027.

Pinalalakas rin ang mga alternatibo sa pagkakakulong gaya ng plea bargaining at probation bilang bahagi ng mas makatao at makabagong criminal justice system.

Unang idinaos ang Jail Decongestion Summit noong 2023 na naglalayong mabigyan ng maayos na pamumuhay at may dignidad ang mga PDL habang nasa piitan.

Sa ikalawang summit na may temang “Hustisya ng Mapagpalayang sa Sistemang Makabago” ay binigyang-halaga ng Korte Suprema bilang pagkakataon para sa sama-samang pagkilos tungo sa mas mabilis, makatarungan, at makataong hustisya sa bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here