Home HOME BANNER STORY P43.4-M cocaine, nasabat sa NAIA; bebot, dinamba

P43.4-M cocaine, nasabat sa NAIA; bebot, dinamba

187
0
(via Jimmy Hao)

MANILA, Philippines – Nasabat sa isang bagong dating sa bansa na babaeng pasahero ang mahigit P43.4 milyong halaga ng cocaine sa ikinasang interdiction ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drugs Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) Huwebes ng gabi, Enero 22.

Kinilala ng NAIA-IADITG ang inarestong suspek na si alyas Vanesa, 30, isang domestic helper.

Ayon sa nakalap na ulat, naganap ang pag-aresto kay alyas Vanesa bandang alas 7:20 ng gabi sa Customs Exclusion Room, Customs International Arrival Area, NAIA Terminal 3, Pasay City.

(via Jimmy Hao)

Sinabi ng NAIA-IADITG na ang suspek ay bagong dating na pasahero lulan ng Qatar Airways Flight QR 780 mula Sao Paolo, Brazil na may connecting flight patungong Doha, Qatar via Qatar Airways QR 932.

Sa inisyal na report ng NAIA-IADITG, nagduda diumano ang mga opisyal ng paliparan kaya’t pinabuksan ang kulay itim na bagahe nito kung saan nadiskubre ang tatlong improvised pouches na gawa sa packaging tape na nakabalot sa foil at carbon paper na naglalaman ng 8,194 gramo ng kulay puting powdery substance na hinihinalang cocaine na nagkakahalaga ng P43,428,200.

Bukod sa nadiskubreng cocaine, nasamsam din sa posesyon ng suspek ang iba’t ibang uri ng damit, kanyang pasaporte at dalawang boarding pass, Philippine National Bank passbook, dalawang cellular phones, brown wallet, iba’t ibang uri ng foreign currencies, PhilPost ID card; dalawang Singapore work permit ID, dalawang Hang Seng Bank cards, Hong Kong ID card at tatlong ALiN Cargo Express documents.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa PDEA Laboratory Service para isailalim sa laboratory examination.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 4, Art. II ng RA 9165 sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Ang naturang operasyon ay pinamunuan ng NAIA-IADITG/AIU 1 kung saan kinabibilangan din ito ng iba’t ibang ahensya na PDEA RO NCR; Bureau of Customs — Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (BOC-CAIDTF); PNP Aviation Security Group (AVSEG); Airport Police Department (APD); PNP Drug Enforcement Group (DEG); National Bureau of Investigation (NBI); at ng Bureau of Immigration (BI). — James I. Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here