MANILA, Philippines – Nasabat sa isang bagong dating sa bansa na babaeng pasahero ang mahigit P43.4 milyong halaga ng cocaine sa ikinasang interdiction ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drugs Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) Huwebes ng gabi, Enero 22.
Kinilala ng NAIA-IADITG ang inarestong suspek na si alyas Vanesa, 30, isang domestic helper.
Ayon sa nakalap na ulat, naganap ang pag-aresto kay alyas Vanesa bandang alas 7:20 ng gabi sa Customs Exclusion Room, Customs International Arrival Area, NAIA Terminal 3, Pasay City.







