Home NATIONWIDE Kupas na solid yellow line sa Pasay nagdulot ng pagtatalo sa enforcer...

Kupas na solid yellow line sa Pasay nagdulot ng pagtatalo sa enforcer at motorista

262
0

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang isang motorista at isang traffic enforcer sa Pasay City nang hulihin ang motorista matapos siyang lumipat ng lane sa EDSA flyover portion ng Roxas Boulevard kahit may solid yellow line na halos hindi na makita.

Sa isang bidyo, makikita ang isang motorista na sinusubukang lumipat ng lane bago umakyat sa flyover upang suriin kung totoo nga bang na kilala ang mga traffic enforcer sa lugar sa pagbibigay ng traffic violation ticket.

Bigla namang lumitaw ang isang traffic enforcer at pinatigil ang motorista, na sinasabing lumabag ito sa yellow line.

Ayon sa Land Transportation Office, ang double solid yellow line ay mahigpit na nagbabawal sa pag-overtake, pagdaan, o pag-cross anumang oras. Iginiit ng motorista na ang linya ay sobrang kupas na at hindi na makita, lalo na sa mahinang ilaw. Natapos ang pagtatalo mula sa magkabilang panig, nang walang naibigay na ticket.

Sinabi ni Ferdinand Lee, pinuno ng Pasay Traffic and Parking Management Office (PTPMO), na papayuhan nila ang kanilang mga traffic enforcer na gabayan muna ang mga motorista habang inaayos ang paint, at inamin na ang yellow line ay pakupas na.

Idinagdag niya na mahalaga ang viral video sa imbestigasyon ngunit hindi pa sapat upang patunayan ang paglabag hanggang hindi pa na-iinterview ang traffic enforcer.

Binanggit din ni Lee na ipinakita ng video ang panganib sa pag-apprehend at pinaalalahanan ang mga enforcer na unahin ang kanilang kaligtasan habang nasa duty.

Depensa ng ilang traffic enforcer ang kanilang kasamahan at iginiit na bawal ang paglipat ng lane sa solid yellow line dahil ito ay accident-prone na lugar. Maaaring maparusahan ang mga lumalabag sa traffic signs, lane markings, o obstruction.

Nagsampa ang motorista ng pormal na reklamo laban sa traffic officer sa PTPMO. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here