Home METRO Akyat-bahay timbog sa Marikina; lagayan ng labahan, ‘di pinalagpas

Akyat-bahay timbog sa Marikina; lagayan ng labahan, ‘di pinalagpas

209
0

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang 25-anyos na lalaki noong Huwebes ng hapon, Enero 22, dahil sa pagnanakaw ng mga gamit mula sa isang bahay sa Barangay Concepcion Uno, Marikina City, ayon sa Marikina City Police Station.

Ayon sa biktima, umalis siya upang bisitahin ang isang kaibigan at nang bumalik ay nakita niyang palabas na ang suspek na may dalang mga gamit.

Tumulong ang mga kapitbahay na pigilan ang suspek, at naaresto ito sa tulong ng isang pulis na nagpa-patrol mula sa Sub-Station 6.

Nakuha mula sa suspek ang isang gas tank na nagkakahalaga ng P1,400; laundry basket na P200; dalawang electric fan na P1,500; at isang electric stove na P1,000.

Hindi naman nakuha ang Condura air conditioner na nagkakahalaga ng P11,000 at isang laptop na P15,000.

Kasulukuyan siyang nasa kustodiya ng pulisya at haharap sa kasong theft. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here