MANILA, Philippines — Handang maging saksi si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa impeachment case na isinasampa laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ayon sa mga nagrereklamo nitong Biyernes.
“In the case of congressman Zaldy Co, he is willing to be a witness,” ani Mike Defensor sa isang press conference. Idinagdag ni Defensor na magte-testify si Co sa pamamagitan ng teleconference.
Tinanggihan naman ng Office of the Secretary General (OSG) ng House ang pagsusumite ng impeachment complaint noong Huwebes.
Ayon kay Executive Director Jose Marmoi Salonga, hindi niya maaaring tanggapin ang reklamo dahil wala ang OSG chief na si Cheloy Velicaria-Garafil sa bansa at wala siyang awtoridad na tumanggap nito.
Sinabi ni Defensor na maghahain sila ng kaso laban sa OSG at pinag-aaralan ang susunod na hakbang, kasabay ng mga tanong kung rerefile ba nila ang impeachment complaint.
“Of course, we have debates on how to address this, but we are united—and this is a warning to the Office of the Secretary General—that we will file a case against the office,” ayon sa kanya. RNT