Home NATIONWIDE Ukraine nais maging dialogue partner ng Pinas sa ASEAN 2026

Ukraine nais maging dialogue partner ng Pinas sa ASEAN 2026

331
0

MANILA, Philippines – Nais ng Ukraine na maging opisyal na dialogue partner ng ASEAN bago matapos ang chairship ng Pilipinas sa 2026, ayon kay Ukrainian Ambassador Yuliia Fediv.

Sinabi ni Fediv na layunin ng Kyiv na palawakin ang presensya nito sa Southeast Asia at palakasin ang kooperasyon sa Pilipinas at iba pang miyembro ng ASEAN.

Nilagdaan ng Ukraine ang Treaty of Amity and Cooperation (TAC) noong 2022 at nagsumite ng aplikasyon para maging ASEAN Sectoral Dialogue partner.

“We rely on our Filipino friends to support our application… Hopefully, at the end of this year, we would get the strategic dialogue partnership with ASEAN thanks to the leadership of the Philippines,” ani Fediv.

Layunin ng Ukraine sa ilalim ng kanilang Ukraine-ASEAN strategy na magkaroon ng kooperasyon sa trade, energy, disaster management, at kultura, kahit may ongoing conflict sa Russia. Ayon sa ASEAN, ang aplikasyon ay nasa ilalim pa ng pagsusuri.

Kamakailan, inimbitahan ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang Ukraine na lumahok sa mga pangunahing ASEAN meetings ngayong taon, bilang suporta ng Pilipinas sa pakikipag-ugnayan ng Ukraine sa bloc. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here