Home ENTERTAINMENT Ai Ai, may tip kay Angelica sa Mrs. Philippines!

Ai Ai, may tip kay Angelica sa Mrs. Philippines!

252
0

Manila, Philippines – Credible nga ba para magbigay ng advice si Ai Ai de las Alas kay Angelica Yulo on competing in Mrs. Philipines?

Ito’y makaraang ipinahayag ni Mrs. Philippines Organization President Erika Joy Santos na inimbita daw niya ang ina ng ating two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na sumali sa naturang beauty pageant.

Ayon kay Santos, bilib daw siya sa fashion sense ni Angelica.

Ito’y bukod sa kanyang mga kahanga-hangang katangian bilang ina na nagsilbing gabay at inspirasyon sa kanyang mga anak.

Nahingan naman ng reaksyon si Ai Ai tungkol dito.

Ayon sa Comedy Queen, kung paanong suportado raw niya ang online selling nito’y nakasuporta rin siya sa pagsali nito sa nasabing timpalak.

Nag-iwan naman ng mahalagang tip ang komedyana: “Dapat mother, magpapayat ka muna. Mag-diet at mag-exercise ka!”

Dagdag pa ni Ai Ai: “Pero tingin ko naman, pagdating sa question and answer, eh, panalo ka! Dapat lang na winner ka kasi pag ‘lotlot’ (talunan), naku, patay tayo diyan…maba-bash tayo!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here