MANILA, Philippines – Maaaring maibalik sa Senado ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte kung pabor ang Supreme Court (SC) sa House motion for reconsideration (MR) mula sa 19th Congress, ayon kay Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.
“Kung ma-grant nila ang MR, ibig sabihin babalik tayo sa impeachment process. Ibig sabihin, maaring ma-reinstate ang impeachment complaint sa Senado,” ani Luistro.
Noong 19th Congress, si Duterte ang kauna-unahang Vice President na na-impeach sa bansa matapos aprubahan ng higit sa isang-katlo ng House ang kanyang impeachment complaint na may pitong articles, at isinampa sa Senado noong Feb. 5, 2025.
Ngunit noong Hulyo, idineklara ng SC na unconstitutional ang complaint at nag-file ang House ng MR, kaya nakabinbin ang proseso.
Ngayon sa 20th Congress, may mga grupo na posibleng magsampa ng bagong impeachment complaint simula Feb. 6, matapos ang one-year ban sa bagong filings.
“Kung mare-resolve ang MR sa Feb. 7, siguro depende sa desisyon ng SC,” paliwanag ni Luistro.
Idinagdag niya na kung i-deny ang MR, kailangan pa ring sundin ang notice and hearing para sa second mode ng impeachment, gaya ng ginawa sa unang complaint.
Ipinaliwanag din ni Luistro ang kaibahan ng first at second mode ng impeachment filing, at sinabing hindi magiging isyu sa SC ang pendency ng MR para sa bagong filings.
“Hindi po magiging issue ang pendency ng MR before the SC,” ani Luistro. RNT/MND