Home ENTERTAINMENT DongYan film project, kinukuwestyon!

DongYan film project, kinukuwestyon!

327
0

Manila, Philippines – Good news para sa mga masugid na DongYan fans–muling

magtatambal sa isang film project ang power couple.

Matatandaang 2023 pa noong huling magsama sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa wide screen.

Ito’y sa Metro Manila Film Festival entry na Rewind na almost P1 billion ang kinita.

Produced ito ng Star Cinema.

At sa susunod nga nilang pelikulang pagsasamahan ay Star Cinema uli ang magpoprodyus.

Siyempre, this early ay nababahiran na ito ng intriga.

Since the couple ay kapwa Kapuso stars at may film arm naman ang GMA–ang GMA Pictures–bakit hindi ito ang producer o ka-collab ng Star Cinema?

Marami naman ang nag-oopinyon na kailangang madaliin ang DongYan project para mapagtakpan ang tsismis na hiwalay na ang mag-asawa.

May reference ito sa umilkot na blind item tungkol sa isang power couple whose marriage is on the rocks.

Ito’y sa kabila ng maring pagtanggi ni Marian, saying: “Susme, taun-taon na lang!”

At presstime, wala pang pamagat ang muling pagsasama ng DongYan. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here