Manila, Philippines – Pagkatapos ng kanyang kasal ay expected ng mga nagmamarisol na magpopokus si Carla Abellana sa kanyang honeymoon.
Naging kontrobersyal kasi ang kanyang kasal lalo pa’t napulaan ang wedding cake sa nasabing seremonya.
Recently naman,nag-emote si Carla sa kanyang Instagram story hinggil sa kanyang kagustuhang mag balik-trabaho na.
Post niya: “Hello! Just to put it out there, I am not on leave nor will I’ll be able be on leave anytime soon. I am ready for work anytime. Ehem ehem. Looking and been waiting for work,”
Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang kanyang emote.
Hirit ng kibitzers, nananawagan daw ang aktres ng trabaho sa producers.
Ito naman ang komento ng ilang sawsawera at katkatera.
“Tambay si Ate.”
“Ready na for mother roles.”
“Unemployed si accla.”
“Paging producers.”
“Puwede pa raw siya sa lead roles.”
“GMA, baka naman.”
“The quuen of allouts is calling her mother network.” Archie Liao