Home NATIONWIDE Bangkay ng babaeng may tattoo nadiskubre sa creek sa Bulacan

Bangkay ng babaeng may tattoo nadiskubre sa creek sa Bulacan

209
0

Bulacan – Isang bangkay ng babaeng may tattoo ang nadiskubre sa isang creek sa kahabaan ng Pulilan-Baliwag Bypass road sa bayan ng Pulilan.

Sa ulat ng Pulilan police station, bandang 3:30 ng hapon noong Enero 24, isang tawag ang kanilang natanggap mula sa opisyal ng Brgy. Dulong Malabon na nagsabing may natagpuang bangkay sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, ang bangkay ay may taas na “5’3”, large body built, fair complexion, nasa 35 to 40 years old, nakasuot ng black t-shirt at black pants.

Nabatid na ang bangkay ay may tattoo sa likuran bahagi ng katawan ng isang babae, na may blue butterfly wings sa gawing kanan, yellow/orange floral and fern designs sa kaliwang bahagi at katagang “jjzab” sa kanyang right lower leg.

Para sa pagtiyak at kumpirmasyon ay maaring tumawag sa mga hotline numbers na ipinost ng Pulilan Mps o magsadya sa nasabing istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here