MANILA, Philippines – Nagpalabas ng isang video message ang K-pop boy group na TREASURE sa papalapit nilang pagbabalik sa Pilipinas para sa 𝟐𝟎𝟐𝟓–𝟐𝟔 𝐓𝐑𝐄𝐀𝐒𝐔𝐑𝐄 𝐓𝐎𝐔𝐑 [𝐏𝐔𝐋𝐒𝐄 𝐎𝐍] 𝐈𝐍 𝐌𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀!
Ang 10-member band ay huling bumisita sa bansa dalawang taon na ang nakalilipas.
Ayon sa iMe Philippines, magaganap ang Treasure Tour [Pulse On] in Manila sa SM Mall of Asia Arena sa April 18, 2026, Saturday!
Nauna nang inilabas ng concert promoter ang seat map, at presyo ng mga ticket:
• P18,000 – VVIP Standing
• P17,000 – VIP Standing
• P17,000 – VIP Seated
• P12,500 – Lowerbox A
• P11,000 – Lowerbox B
• P7,000 – Upperbox
• P3,000 General Admission
• P12,500 – Lowerbox A (Restricted View)
• P11,000 – Lowerbox B (Restricted View)
• P7,000 – Upperbox (Restricted View)
• P3,000 – General Admission (Restricted View)









