Home HOME BANNER STORY 24 nawawala pa rin sa lumubog na passenger vessel sa Basilan; 18...

24 nawawala pa rin sa lumubog na passenger vessel sa Basilan; 18 utas

266
0

MANILA, Philippines – Mahigit 317 pasahero at tripulante ang nasagip matapos lumubog ang passenger vessel na M/V Trisha Kerstin 3 sa layong 2.75 milya hilagang-silangan ng Baluk-Baluk Island sa Basilan nitong Lunes, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa incident report ng PCG, sinabi na 24 katao ang nawawala pa habang 18 ang kumpirmadong nasawi hanggang alas-11:21 ng umaga. Umalis ang barko, na pinatatakbo ng Aleson Shipping Lines, sa Port of Zamboanga City alas-9:20 ng gabi ng Linggo patungong Jolo, Sulu, sakay ang 332 pasahero at 277 tripulante nang magsimulang pasukan ng tubig at tuluyang lumubog.

“Upon receipt of the distress call from the PCG sea marshal onboard, the Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) immediately deployed BRP Tubbataha (MRRV-4401) from Zamboanga City,” ayon sa PCG.

Patuloy ang search and rescue operations sa tulong ng mga commercial vessel, Armed Forces of the Philippines, iba pang ahensya ng gobyerno, at mga lokal na pamahalaan. Ayon sa CGDSWM, wala pang namamataang oil spill sa lugar ng insidente. Dagdag ng PCG, nasa loob ng awtorisadong maximum passenger capacity na 352 ang barko nang mangyari ang insidente.

Samantala, kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na isang pulis mula sa Regional Mobile Division Unit 9 ang kabilang sa mga nasawi. Labintatlong PNP personnel ang matagumpay na nasagip—siyam mula sa 905th at 903rd Maneuver Companies ng Regional Mobile Force Battalion 9 at apat mula sa Regional Emergency and Rescue Unit 9.

“Rescued personnel were safely brought to Zamboanga City Port and Isabela City, Basilan Port, where they are now receiving proper care and assistance,” ayon sa PNP, na nagsabing nagpapatuloy ang koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya. Mary Ann Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here