MANILA, Philippines – Hindi pa isasagawa ang retrieved operations sa paghahanap sa mga nawawalang indibidwal na sakay ng nawawalang motor boat na MBCA Amejara.
Ayon kay Commodore Philipps Soria ng CGDSEM, kahit matapos ang pitong araw ng SAR operations.
Nitong Lunes, iniulat ng Coast Guard District Southeastern Mindanao na nadagdagan pa ang bilang ng mga bangkay na natagpuan mula sa motor boat.
Isa pang bangkay ang nakitang palutang-lutang sa nagpapatuloy na search and rescue operations.
Sa kabuuan, anim na bangkay na ang natagpuan mula sa bangkang may 16 pasahero na naiulat na nawawala noong Enero 19.
Ang pinakahuling katawan ay narekober ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa tubig malapit sa Buca Point, Maasim, Sarangani, at inilipat sa BRP Panglao para dalhin sa Balut Island para sa pagsusuri.
Sa ngayon, siyam na pasahero pa rin ang nawawala habang isa ang nailigtas noong Enero 20.
Patuloy ang inter-agency efforts, kabilang ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya at tamang recovery procedures.
Sinabi rin niya na ang mga search teams ay lilipat mula Sector 4 patungong Sector 3, base sa drift analysis na nagpapakitang maaaring mapalapit ang mga labi sa Sarangani Bay at hilagang bahagi ng Celebes Sea.
Enero 24 nang matagpuan ang limang bangkay sa Sector 4, ang pinakalabas na bahagi ng search zone sa katubigan ng Southern Mindanao.
Ang Philippine Coast Guard ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya tulad ng Naval Forces Eastern Mindanao, Eastern Mindanao Command, Philippine Air Force, at Office of Civil Defense upang masiguradong maayos at tuloy-tuloy ang operasyon. — Jocelyn Tabangcura-Domenden