Home METRO Bangkay, lumutang sa irigasyon sa Isabela

Bangkay, lumutang sa irigasyon sa Isabela

182
0

SAN MATEO, Isabela — Lumutang ang bangkay ng isang lalaki sa isang irigasyon na sakop ng Barangay Villa Magat, San Mateo, Isabela.

Hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng biktima subalit mayroon itong tattoo na “Steve” sa kaliwang braso at hugis pusong tattoo sa kaliwang dibdib nito.

Nasa 5’6 ang tangkad, walang damit na pang-itaas, at nakasuot ng jersey shorts.

Ang naturang bangkay ay nakita ng isang residente na nagpapastol ng kambing. Ito ay nakasabit sa sanga ng kahoy na natumba sa irigasyon.

Agad naman niya itong ipinagbigay-alam sa kanilang punong barangay na siya namang nagpaabot ng impormasyon sa himpilan ng pulisya.

Kung kaya kaagad itong nirespondehan ng mga kapulisan, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan ng San Mateo. Pagkarating nila sa lugar, naiahon na ng mga residente sa tubig ang naturang bangkay.

Batay sa pagtaya ng mga awtoridad, maaaring may katagalan na sa tubig ang bangkay dahil sa bloated na ito at malapit nang ma-decompose. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here