Home NATIONWIDE Buong fleet ng Aleson Shipping Lines, pinatigil ng DOTr kasunod ng Basilan...

Buong fleet ng Aleson Shipping Lines, pinatigil ng DOTr kasunod ng Basilan tragedy

207
0

MANILA, Philippines – Iniatas ng Department of Transportation (DOTr) ngayong Martes ang pagpapahinto sa buong passenger fleet ng Aleson Shipping Lines matapos ang paglubog ng kanilang roll-on/roll-off ferry na M/V Trisha Kerstin 3 sa karagatan ng Basilan.

“Ngayon i-announce din namin, now we are grounding the entire passenger fleet of Aleson Shipping Lines,” pahayag ni DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez sa isang press conference.

Inatasan din niya ang Maritime Industry Authority (MARINA), katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), na magsagawa ng maritime safety audit, kabilang ang inspeksyon hindi lamang ng mga barko kundi pati ng mga crew.

Umalis ang M/V Trisha Kerstin 3 mula sa Port of Zamboanga City noong Linggo patungong Jolo, Sulu ngunit lumubog sa karagatan ng Basilan noong Lunes. Ayon sa DOTr, 18 na ang kumpirmadong nasawi habang 10 pa ang nawawala hanggang Lunes ng gabi.

Samantala, sinabi ng PCG na sisimulan sa Miyerkules ang diving operations para hanapin ang mga nawawalang pasahero, sa tulong ng mga technical diver mula Maynila at isang remote operated vehicle. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here