MANILA, Philippines – Tinintahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pondo para sa mga Local Government Units na aabot sa P1.19 Trillion.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na direktang papasok ang budget para sa mga LGU sa kani-kaniyang authorized government service banks.
Ang maagang paglalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) para sa mga LGU, sabi niya, ay patunay na ang 2026 budget ay nakatuon sa pagpapaunlad ng pamumuhay ng taumbayan.
Inuuna aniya nito ang mga pangunahing serbisyo at palalakasin ang mga lokal na pamahalaan.
Kaya nga ang panawagan ng Pangulo sa mga LGU ay gamitin ang budget para sa mga awtorisadong pakay at sumunod sa reporting requirements bilang bahagi ng transparency at accountability standards ng pamahalaan. (Kris Jose)