Home NATIONWIDE Bagong UniTeam, maaga pa para pag-usapan – Malakanyang

Bagong UniTeam, maaga pa para pag-usapan – Malakanyang

180
0

MANILA, Philippines — Ipinahayag ng Malacañang nitong Martes na maaga pa para talakayin ang mga panukalang bumuo ng bagong alyansang pampulitika na kahalintulad ng UniTeam na sumuporta kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong 2022.

Ang pahayag ng Palasyo ay kasunod ng mungkahi ni dating senador Antonio Trillanes IV na makipagsabwatan ang mga tagasuporta ni Marcos sa tinatawag na “Kakampinks” ni dating bise presidente Maria Leonor “Leni” Robredo upang talunin ang mga Dutertes sa 2028.

Sa isang press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi pa naipaparating sa Pangulo ang naturang panukala.

“Wala pa pong napag-uusapan patungkol po diyan. Hindi pa po nababanggit sa Pangulo ito,” aniya.

Nang tanungin kung bukas ang Palasyo sa pakikipagtulungan sa mga kasapi ng oposisyon o dating kalaban sa eleksyon, hindi nagkomento si Castro at sinabi na maaga pa para magbigay ng posisyon.

“Wala po tayong masasabi sa ngayon. Maybe it’s too early to comment on that,” ani Castro.

Si Robredo ay nagsilbing ika-14 na Bise Presidente ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2022 sa ilalim ng administrasyon ni Duterte. Tumakbo siya bilang presidente noong 2022 ngunit natalo kay Marcos. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here