Home NATIONWIDE Higit 1.46M nagparehistro para sa 2026 BSKE

Higit 1.46M nagparehistro para sa 2026 BSKE

155
0

MANILA, Philippiens – Umabot sa 1,468,228 ang kabuuang aplikasyon sa voter registration para sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan elections, base sa consolidated data ng Commission on Elections mula October 20, 2025 hanggang January 25, 2026.

Sa bilang na ito, 691,855 ay lalaki at 776,373 ay babaeng aplikante.

Pinakamaraming aplikasyon ang nagmula sa Region IV-A na may 284,933, sinundan ng NCR na may 166,457 applicants.

Kasama sa bilang ang SK applicants na may edad 15 hanggang 17, at regular applicants para sa registration, transfer, reactivation, correction of entries, at iba pang updates.

Tiniyak ng COMELEC na lahat ng aplikasyon ay na-process sa parehong takdang panahon.

Itinakda ang BSKE 2026 sa Nobyembre 2 na isasagawa sa 42,011 barangays sa buong bansa.
— Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here