Home METRO 2 Iranian national na tirador ng pera ng tindera, kulong

2 Iranian national na tirador ng pera ng tindera, kulong

164
0

MANILA, Philippines – Dalawang Iranian national na tumangay ng pera ng tindero ng isda at gulay ang kapwa inaresto habang papatakas, napaulat sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth na nangyari ang insidente Sabado ng alas-5:30 ng hapon nang lapitan ng isa sa dayuhan ang 35-anyos na vendor na abala sa pagtitinda sa Reparo Road, Brgy. 161.

Nagtanong umano ang dayuhan sa wikang English tungkol sa salapi ng bansa, kaya ipinakita ng biktima ang kanyang pera sa loob ng bag at hinayaan pang kunin ng suspek ang bag niya. Ngunit nang ibalik, wala na ang P7,000, dahilan upang habulin niya ang patakas na dayuhan, kasama ang hiningan ng tulong na opisyal ng barangay.

Subalit hindi nila naabutan ang suspek nang sumakay sa naghihintay na sasakyang minamaneho ng kasabuwat, kaya’t humingi ng tulong ang vendor sa Sta. Quiteria Police Sub-Station 6 na agad ding nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek sa bahagi ng Baesa sa naturang lungsod.

Nakumpiska sa 50-anyos na Iranian ang kinulimbat na pera ng biktima, kabilang sa nakumpiskang iba’t ibang uri ng lokal at dayuhang salapi, habang na-impound din ang ginamit nilang sasakyan sa pagtakas na minaneho ng 25-anyos niyang kababayan.

“This incident shows that when the public and the police work together, criminals have little room to escape. Hindi natin hahayaang masayang ang pinaghirapan ng ating mga kababayan,” pahayag ni PNP Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. nang makarating sa kaalaman niya ang nangyari. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here