Home ENTERTAINMENT Boobay, hinimatay sa Mindoro show!

Boobay, hinimatay sa Mindoro show!

199
0

Manila, Philippines — Labis na nabahala ang mga fans ng TV host-comedian na si Boobay nang bigla itong bumagsak at nawalan ng malay habang nagso-show bilang pagdiriwang sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro.

Na-video ang pagtumba ni Boobay.

Ayon sa kuwento, pakanta na si Boobay ng kanyang ikalawang piyesa sa solo performance nang bigla siyang napahinto.

At the start pa lang daw ay parang nahihilo na si Boobay.

Nagpagewang-gewang pa daw ito bago tumumba.

Kagyat namang rumesponde ang medic na bumuhat sa kanya patungo sa backstage.

Agad ding umakyat sa stage ang co-performer ni Boobay na si Super Tekla para ituloy ang naudlot na song number ng kasamahan.

Tiniyak ni Super Tekla na magiging maayos din ang lagay ni Boobay, na babalik din sa entablado.

Nagbiro pa si Super Tekla na: “Ayaw kasing magpahinga ng gaga!”

As promised, sumampang muli si Boobay sa stage, kung saan nagbiruan at “nagsisihan” pa ang dalawa dahil sa nangyari.

Nagbiro pa si Boobay na kailangan daw niyang kantahin ang awitin para buong ibigay sa kanya ang talent fee.

Matatandaang May 7, 2024 nang mahimatay si Boobay sa isang pagtatanghal sa ika-344 pista ng Aparri, Cagayan.
Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here