Home NATIONWIDE 55 barko ng Tsina namataan sa WPS mula Enero 18-25

55 barko ng Tsina namataan sa WPS mula Enero 18-25

167
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 55 barko ng China, kabilang ang navy, coast guard, at maritime militia, ang naitala sa apat na pangunahing bahagi ng West Philippine Sea mula Enero 18 hanggang 25, ayon sa isang opisyal ng Philippine Navy nitong Martes.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng PN para sa WPS, kabilang sa bilang ang lima (5) na warship ng People’s Liberation Army (PLAN), 10 barko ng China Coast Guard (CCG), at 40 Chinese Maritime Militia Vessels (CMMVs).

Ang mga barko ay naobserbahan sa Bajo de Masinloc, Ayungin Shoal, Escoda Shoal, at Pag-asa Island. Sa Bajo de Masinloc, 13 barko ang nakita—apat na PLAN warship, apat na CCG vessels, at lima CMMVs.

Sa Ayungin Shoal, tatlong CCG at dalawang CMMVs; sa Escoda Shoal, dalawang CCG at lima CMMVs; habang sa paligid ng Pag-asa Island, isang PLAN warship, isang CCG, at 28 CMMVs ang naitala. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here