MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes na walang Pilipino ang nasawi sa Winter Storm Fern na tumama sa ilang bahagi ng Estados Unidos nitong nakaraang weekend.
Ayon sa embahada sa Washington, D.C. at mga konsulado sa New York, Chicago, at Houston, wala ring naiulat na namatay na Pilipino sa kanilang nasasakupan.
Dulot ng bagyong ito ay malakas na snow at yelo sa iba’t ibang bahagi ng U.S., at inaasahang magpapatuloy sa Northeast ngayong linggo, ayon sa National Oceanic and Atmospheric Administration.
Iniulat ng NBC News ang hindi bababa sa 21 pagkamatay sa bansa, kabilang ang Tennessee, Louisiana, Arkansas, Texas, Mississippi, Ohio, Kansas, South Carolina, Kentucky, New Jersey, at Massachusetts.
Pinayuhan ang mga Pilipino sa apektadong lugar na tumawag sa 911 o lokal na awtoridad kung may emergency. Dave Baluyot