Home NATIONWIDE UP stude, topnotcher sa Architecture Licensure Exam

UP stude, topnotcher sa Architecture Licensure Exam

247
0

MANILA, Philippines – Nanguna sa 1,998 na pumasa sa Licensure Examination for Architects ngayong Enero 2026 ang nagtapos mula sa University of the Philippines.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), nakuha ang pinakamataas na rating na 90.90% ni John Michael Padin Jetigan.

Kabilang sa mga nakakuha ng pinakamataas na rating ang mga sumusunod:

Kabilang rito sina Joshua San Miguel De Lara ng Bulacan State University (88.50), na nasa Top 2; Mikhail Asilo Ocampo mula Mapua University–Manila (88.30), na nasa Top 3; nag-tie naman sa ikaapat na pwesto sina Adrianne Gonzales Caloocan ng Pampanga State University at Earl John Badones Falqueza, na parehong may rating na 88.20; Top 5 naman sina Christ’s Leo Warde Del Rosario ng Bicol University–Legazpi, Ranillo Darren Aviguetero Domingo ng Tarlac State University, at Jansey Mae Clesford Santos ng Batangas State University, na kapwa nakakuha ng 87.90 na rating.

Samantala, ang top-performing school, batay sa Commission Resolution 1814 series of 2024, na may 50 o higit pang examinees at hindi bababa sa 80% passing rate, ay ang Bicol University–Legazpi, kung saan 72 sa 73 examinees ang pumasa, o may passing rate na 98.63%. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here