Home NATIONWIDE Pagkasira ng lashing, posibleng dahilan ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3

Pagkasira ng lashing, posibleng dahilan ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3

234
0

MANILA, Philippines – Hindi inaalis ng Philippine Coast Guard (PCG) ang posibilidad na maaaring dahilan ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 ang pagkasira ng lashing.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Zamboanga City Mayor Khymer Adan Olaso, na dating kapitan ng barko at asawa ng isa sa may-ari ng Aleson Shipping Lines.

Ayon kay Olaso, ang pagkasira sa lashing na humahawak sa mabigat na kargamento ang dahilan ng paglubog ng RoRo.

Ang lashing ay isang metal cable na ginagamit upang ma-secure ang kargamento, na maaaring nasira o naputol dahil sa bigat ng karga.

“Kasama ‘yan sa imbestigasyon. Hindi namin inaalis ang anumang posibilidad,” ayon kay PCG chief Admiral Ronnie Gavan.

Sa ngayon, nakatuon ang PCG sa paghahanap ng mga nakaligtas mula sa insidente. Iniimbestigahan din nila kung ang squall, o biglaang pagtaas ng bilis ng hangin na kadalasang may kasamang malakas na ulan, ang posibleng dahilan ng insidente.

Bagamat may oil spill mula sa lumubog na barko, sinabi ng PCG na walang dapat ipag-alala. Naghanda na sila ng oil spill boom at oil dispersant para sa manipis na oil sheen sa ibabaw ng dagat.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here