MANILA, Philippines – Inaresto ng PNP Aviation Security Group (AVSEG) ang isang babaeng pasahero sa NAIA Terminal 3 matapos itong gumawa umano ng “bomb joke” habang sakay ng eroplano papuntang Bacolod City noong Enero 26.
Ayon sa pulisya, sinabi umano ng pasahero sa cabin crew habang inaayos ang kanyang baggage na “Yes. Raise that, or they might say there’s a bomb.”
Ipinaalala ng AVSEG na ang ganitong biro ay krimen at sinunod ang aviation security protocols.
Na-clear ng PNP Explosive Ordnance Disposal at Explosive Detection Dog na walang nakatagong pampasabog sa bagahe.
Ang pasahero ay nasa kustodiya ng Naia Police Station 3, at ihahain na ang kaso sa ilalim ng Article 287 ng Revised Penal Code at Presidential Decree No. 1727 (Bomb Joke Law). RNT/MND