Home NATIONWIDE Chinese embassy ‘kinampihan’ ni Robin vs PCG sa caricature ni President Xi...

Chinese embassy ‘kinampihan’ ni Robin vs PCG sa caricature ni President Xi Jinping

238
0

MANILA, Philippines – Mistulang “kinampihan” ni Senador Robin Padilla ang pagkondena ng Chinese embassy sa Philippine Coast Guard (PCG) sa paggamit ng caricature ni Chinese President Xi Jinping na bumabastos sa dayuhang lider na nag-iimbita ng katulad ng pagtugon.

Sa plenaryo nitong Lunes, binatikos ni Padilla sa pamamagitan ng pananalitang hindi angkop umano ang ginawa ni PCG Spokesman for West Philippine Sea Commodore Zjay Tarriela.

Isinagawa ni Padilla ang manipestasyon matapos ihain ng 15 senador ang isang resolusyon na komokondena sa China hinggil sa panghihimasok nito sa Philippine internal affairs o pagbatikos sa opisyal ng gobyerno ng bansa.

“’Pag nambastos ka, babastusin ka rin talaga,” ani Padilla saka hinimok si Tarriela na huwag nang ulitin ang Insidente.

Kasabay ito ng manipestasyon nina Senador Risa Hontiveros at Erwin Tulfo sa pagtatanggol kay Tarriela kabilang ang iba pang opisyal ng Pilipinas laban sa pagkondena ng Chinese Embassy sa Maynila sa opisyal na pahayag nito.

Inamin ni Padilla na hindi popular ang kanyang pananaw at maaaring akusahan siyang _pro-China, pero iginiit nitong tatanggapin niya ang anumang kritisismo kung layunin nito na isulong ang kapayapaan at paghuhupa ng sigalot.

“Even if I am in the opposition, I would be angry if they did that to our President,” ani Padilla.

Dahil dito, umapela ang senador kay Tarriela na huwag nang ulitin ang ikinilos nito dahil kapag nambastos, pambabastos din ang katapat nito at tungkulin nito na ipagtanggol ang kanilang pangulo.

Kinuwestiyon din ni Padilla ang PCG na sa kabila ng malaking badyet, dapat bumili sila ng mas matinding kagamitan kaysa umasa sa apela. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here