MANILA, Philippines – Hiniling ng Senate Committee on Public Services na imbestigahan ng Maritime Industry Authority (Marina) ang pagkamatay ng 18 tao sa paglubog ng MV Trisha Kerstin 3 sa Basilan.
Ayon kay Sen. Raffy Tulfo, dapat malaman kung bakit mataas ang casualties—kulang ba sa life vests, o hindi tinulungan ng crew ang mga pasahero?
Sabi ni Emmanuel Carpio, OIC ng Marina, sinusuportahan ng impormasyon na may life vests ang pasahero, ngunit walang tulong mula sa crew. Patuloy pa rin ang imbestigasyon.
Binanggit ni Tulfo na kung maayos ang panahon at kumpleto ang life vests, walang dapat namatay, kaya may posibleng kapalpakan ng barko o crew.
Asahan niya ang ulat ng Marina sa susunod na linggo. Sa kasalukuyan, 10 tao pa rin ang nawawala, kabilang ang kapitan, pitong crew, at isang Coast Guard Sea Marshal. RNT/MND