MANILA, Philippines – Walang nakakuha ng jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, Nobyembre 20, 2026.
Umabot sa P563.29 milyon ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58, na may winning combination na 51-22-34-27-01-24.
Wala namang nakahula sa anim na winning numbers ng Mega Lotto 6/45 na may katumbas na jackpot na P30.63 milyon. Ang lumabas na kombinasyon ay 31-24-26-04-42-09. RNT/MDS