Home HOME BANNER STORY Impeachment trial ni VP Sara, iniurong sa Disyembre 1; balik half-day ulit

Impeachment trial ni VP Sara, iniurong sa Disyembre 1; balik half-day ulit

1
0

MANILA, Philippines – Magbabalik sa half-day schedule ang paglilitis ng Senate Impeachment Court simula sa Nobyembre 21 hanggang sa buong buwan ng Disyembre.

Ayon kay Senate Impeachment Court spokesperson Atty. Regie Tongol, magsisimula ang trial ng alas-10 ng umaga at magtatapos ng alas-3 ng hapon.

Paliwanag ni Tongol, dahil magkakaroon na ulit ng plenary sessions ang Senado bilang legislative body sa hapon.

Ibig sabihin, babalik sa orihinal na schedule bago nagkaroon ng whole-day sessions noong Oktubre.

Sa kabila ng pinaikling oras ng paglilitis, nananatiling target ng Impeachment Court na matapos sa Disyembre ang presentation ng witnesses at ebidensya ng defense team.

Sinabi ni Tongol na alinsunod sa ruling ng Presiding Officer, ang linggo ng Disyembre 9 hanggang 11 ang tentative target para sa filing ng formal offer of evidence, at ng comments at objections ng kabilang panig.

Kasunod nito, ang Disyembre 14 at Disyembre 16 hanggang 18 ang target na endgame — dito pag-aaralan ang mga ebidensya, gaganapin ang oral arguments o closing arguments ng mga partido, at isasagawa ang roll call vote bago mag-adjourn ang Senado para sa congressional adjournment.

Nilinaw rin ni Tongol na ang target ay matapos ang paglilitis sa Disyembre, “barring any rebuttal o surrebuttal mula sa mga partido.”

Ngunit kung hindi maabot ang target na verdict sa linggo ng Disyembre 16 hanggang 18, ikokonsidera ng Presiding Officer na magdagdag ng karagdagang araw — alinman sa Disyembre o sa Enero.

Malalaman ito sa linggo ng Disyembre 9 hanggang 11.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here