MANILA, Philippines – Binaba ni Vice President Sara Duterte ang posibilidad na ma-aresto si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pamamagitan ng ICC warrant, at sinabi niyang may mas malalang kapalaran sa buhay kaysa sa pagkakakulong.
“Sa tingin ko lang ha, sa lahat ng tao, sa buhay ng isang tao, the worst thing that could happen is magkasakit at mamatay… kahit nasa loob ka man ng kulungan o nasa labas ka, okay na ‘yun,” sabi ni Duterte sa The Hague noong Enero 27.
“Kaya ‘di ba, ‘yung kay sitwasyon ni Senator Bato, wala ‘yan. Hindi naman siya nagkasakit eh,” dagdag niya.
Simula Nobyembre 11, hindi pa nakadalo si Dela Rosa sa Senado matapos iulat ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na mayroong ICC arrest warrant laban sa kanya kaugnay ng war on drugs noong Duterte administration. RNT/MND