Home NATIONWIDE 70 social media post nanghihikayat ng protesta, karahasan natukoy ng PNP

70 social media post nanghihikayat ng protesta, karahasan natukoy ng PNP

1
0

MANILA, Philippines – Natukoy ng Philippine National Police (PNP) ang nasa 70 social media post na umano’y nanghihikayat sa publiko na sumali sa mga protesta at magsagawa ng karahasan.

Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Allen Rae Co, tinutukoy na ng PNP Anti-Cybercrime Group ang mga indibidwal o grupong nasa likod ng mga naturang post.

Kabilang sa mga minomonitor na mensahe ang panawagan na magprotesta, patalsikin ang ilang opisyal ng gobyerno at gumamit ng karahasan dahil umano sa mga katiwalian sa pamahalaan.

Sinabi ni Co na bineberipika pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga naglabas ng mga post.

Napansin din umano ng pulisya ang pagkakahawig ng ilang mensahe, kabilang ang paggamit ng magkakaparehong bantas at pagitan ng mga salita.

“It could have come from a single source na marami pong naglalabas,” ani Co.

Sinusuri na rin ng PNP kung may nalabag na batas kaugnay ng mga naturang post.

Naganap ang mga protesta noong 2026 ASEAN Summit kung saan nagpahayag ang mga raliyista ng pagtutol sa Pax Silica initiative at pagbisita ni United States President Donald Trump sa Pilipinas. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here