Home HOME BANNER STORY Mga wind turbine na kayang malalakas na bagyo, planong itayo sa Pilipinas

Mga wind turbine na kayang malalakas na bagyo, planong itayo sa Pilipinas

2
0
SONY DSC

MANILA, Philippines – Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng Chinese renewable energy company na Ming Yang Smart Energy Group sa Shenzhen, China, nitong Biyernes upang talakayin ang pagtatayo ng mga wind turbine sa karagatan na idinisenyo para makayanan ang malalakas na bagyo.

Kasunod ng pulong, lumagda ang dalawang panig sa isang kasunduan para sa kanilang kooperasyon sa pagtatayo ng mga offshore wind turbine sa Pilipinas.

Ayon sa kompanya, kaya ng teknolohiya nitong semi-direct drive wind turbine na makatiis sa mga bagyong lampas sa Category 17, kaya angkop umano ang mga ito sa mga karagatan ng bansa.

Nakipagpulong ang Pangulo kay Ming Yang Chairman Zhang Chuanwei at iba pang opisyal upang talakayin ang mga kasalukuyan at planong proyekto ng kompanya bilang bahagi ng pagsisikap ng Pilipinas na palawakin ang paggamit ng malinis at napapanibagong enerhiya.

Nakapagbigay, nakapagkabit at nakapagsagawa na rin umano ang Ming Yang ng maintenance sa mga wind turbine na ginagamit sa mga proyekto sa enerhiya sa Pilipinas.

Kabilang sa mga planong pamumuhunan ng kompanya ang pagtatayo ng Operations and Maintenance (O&M) Center sa bansa at posibleng paglalagay ng iba pang serbisyong may kaugnayan sa renewable energy.

Layunin nitong mapalakas ang kakayahan ng mga lokal na manggagawa at industriya, gayundin ang mapabilis ang pagkukumpuni at pagpapanatili ng mga pasilidad ng wind energy.

Inaasahang makatutulong ang pagkakaroon ng lokal na service center upang mapanatiling maayos ang operasyon ng mga wind farm at masuportahan ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa mga komunidad. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here