Home HOME BANNER STORY PBBM, Ok na; dadalo sa 2 event

PBBM, Ok na; dadalo sa 2 event

191
0

MANILA, Philipppines – Tiniyak ng Malacañang na nasa maayos na kalagayan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at nakatakdang dumalo sa dalawang aktibidad ngayong Huwebes.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, may iskedyul ang Pangulo sa maghapon at sa gabi.

“Meron siyang schedule ngayong araw tsaka mamayang gabi, makikita naman po eto. Baka i-live stream po,” pahayag ni Castro sa panayam sa Unang Balita.

Ito ay kasunod ng paglabas ng Palace Communications Office (PCO) ng video ng Pangulo noong Miyerkules ng gabi, matapos lumabas ang mga ulat kaugnay ng kanyang kalusugan at ang kanyang kamakailang diagnosis ng diverticulitis.

Sa naturang video, sinabi ni Marcos, “OK na.. Binigyan lang ako ng mga gamot at tuloy ang aking pag-inom ng antibiotics, pero OK na ko.”

Ipinaliwanag ni Castro na inilabas ang video upang ipakita sa publiko ang kalagayan ng Pangulo.

“Kagabi, nagrequest ako kung puwede ko siya ma-video, kasi para makita din ng taumbayan ano ba yung kanyang lagay… Para kasing di nasasatisfy yung mga tao kapag ‘di nakikita ang pangulo na kumikilos at gumagalaw,” aniya.

Nauna nang nilinaw ng Malacañang na peke ang kumakalat na medical document tungkol sa kalusugan ng Pangulo.

Kinondena rin ng PCO ang pagkalat ng tinawag nitong “fabricated and malicious” na mga pahayag, at iginiit na maayos ang kalagayan ni Marcos, may kakayahang gampanan ang kanyang tungkulin, at hindi na kailangan pang maglabas ng medical bulletin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here