Home NATIONWIDE OWWA nagbabala sa OFWs vs. scammers: Lahat ng welfare services, libre

OWWA nagbabala sa OFWs vs. scammers: Lahat ng welfare services, libre

235
0

MANILA, Philippines – Ipinaalala ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na libre ang lahat ng kanilang welfare services at nagbabala laban sa mga fixers at scammer.

Ayon sa OWWA, ang tanging bayad ay ang USD 25 membership contribution na may bisa sa loob ng dalawang taon, na sumasaklaw sa lahat ng programa at tulong.

Binanggit ni Deputy Administrator Jasmine Gapatan ang isang insidente sa Bahrain kung saan hiningi sa isang OFW ang P15,000 para sa repatriation assistance sa pamamagitan ng Messenger ng mga taong nagkunwaring kinatawan ng OWWA.

“So, inuulit po natin in support of our Philippine Embassy, na ganun rin po sa OWWA at saka sa DMW, we will never ask money in exchange for help sa ating mga services,” ani Gapatan.

Pinayuhan niya ang OFWs na i-report ang mga kahina-hinalang aktibidad sa OWWA hotline 1348 o sa opisyal na social media accounts.

Ayon naman kay Deputy Administrator Ryan Vincent Uy, libre rin ang OWWA eCard. Binigyang-diin ng OWWA na lahat ng opisyal na transaksyon ay sa pamamagitan lamang ng OWWA offices, Philippine Overseas Labor Offices (POLOs), accredited outreach programs tulad ng “Alagang OWWA Servisyo Caravan,” at mga verified digital platform gaya ng eGov app. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here