Home NATIONWIDE Walang banta na nasasagap sa EDSA People Power Anniversary – NCRPO

Walang banta na nasasagap sa EDSA People Power Anniversary – NCRPO

173
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na wala silang partikular na namomonitor na banta kaugnay ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25.

Sinabi ni NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo na patuloy ang intelligence monitoring at threat assessment.

“Sa kasalukuyan po, wala naman po tayong namo-monitor na partikular na banta sa seguridad, ngunit ang amin pong pagbabanta ay proactive – layunin po nito na maagapan ang anumang posibleng insidente at mapanatili po ang kaayusan,” ani Asilo.

Ayon kay Asilo, nasa proseso pa ang finalization ng deployment plans, ngunit tiniyak niya na sapat ang bilang ng pulis na ide-deploy sa mga kritikal na lugar tulad ng EDSA corridor, SM Mall of Asia, at White Plains Avenue sa Quezon City.

Binigyang-diin niya na ang presensya ng pulisya ay nakabatay sa risk-based deployment at layuning panatilihin ang seguridad, hindi takutin ang publiko.

“Mahigpit po ang paalala natin sa lahat ng ating ide-deploy na personnel na sumunod po sa PNP operational procedures at igalang po natin ang karapatang pantao at ang karapatan sa mapayapang pagtitipon,” dagdag ni Asilo, at aniya, ang anumang enforcement action ay huling opsyon lamang. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here